Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na bilisan na ang pagpapadala ng suplay ng bakuna, lalo sa mga probinsya.
Ayon kay VP Leni, ngayong maraming pamilya na ang nalalagay sa alanganin dahil sa banta ng Delta variant, hindi lang dapat ang Metro Manila ang pagtuunan ng pansin.
Giit pa ni VP Leni, bakuna kontra COVID-19 ang pinakamalakas na sandata ng bawat indibidwal at pamilya kaya’t dapat itong bigyan ng buong atensyon ng pamahalaan at taasan ang target ng pagbabakuna kada araw.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang proyekto ni VP Robredo na Vaccine Express na naglalayong paigtingin ang vaccination efforts sa iba’t ibang bahagi ng bansa tungo sa pagkamit ng herd immunity.
Matagumpay na itong naisagawa sa Manila City, Naga City, Iriga City, at susunod sa Quezon City at Cagayan de Oro City.