“Bakuna pass” para sa mga senior citizen, isinusulong ni Presidential Adviser Joey Concepcion

55

Nais ni Presidential Adviser Joey Concepcion na ituloy ang “bakuna pass” para makalabas ng bahay ang mga senior citizen.

Ayon kay Concepcion, maaaring gawing digital ang “bakuna card” sa ngayon pero kalaunan maaari itong gamitin ng iniisyung card ng lokal na pamahalaan.


Aniya, kahit mawala ang bakuna card, may record ito na kada Local Government Unit (LGU).

Sa kabila nito, tinutulan naman ng Philippine College of Physicians ang panukalang “bakunang pass.”

Giit ni Philippine College of Physicians Vice President Maricar Limpin, hindi dapat biglaan ang pagluluwag ng mga quarantine restriction pagdating ng Hunyo.

Facebook Comments