Bakuna sa bulutong o small pox, maganda ang efficacy sa monkey pox ayon sa isang vaccine expert

Mataas ang efficacy ng smallpox vaccine at maaaring makapagbibigay proteksiyon kontra sa monkeypox.

Sa Laging Handa briefing sinabi Dr. Gloriani, Chairperson ng Vaccine Expert Panel na nasa 85% ang kaya nitong ibigay na proteksiyon sa monkeypox.

Paliwanag ni Dr. Glorianni, ginagamit na rin sa monkeypox ang bakuna sa bulutong dahil may tinatawag na cross reaction ang smallpox at ang monkeypox.


May stockpile na aniya nito sa Amerika pero karamihan ay para sa kanilang military.

Ganunpaman, sinabi ni Gloriani na nagtataas sila ng produksiyon para matugunan ang pangangailangan mga indibidwal na tinatawag ng targeted vaccination group.

Ito’y partikular mga nagkaroon na, ang mga may exposure sa monkeypox at mga health care workers.

Facebook Comments