‘Bakuna sa Gabi’ para sa economic frontliners, bubuksan ngayong araw sa Muntinlupa

Inihayag ngayon ng Muntinlupa City government na simula ngayong araw ay ilulunsad at aarangkada na ang programa ng lungsod na ‘Bakuna sa Gabi’ na babakunahan ng AstraZeneca.

Ayon sa Local Government Unit (LGU), papalawigin pa ang operasyon ng vaccination center ng Muntinlupa sa New Cupang Health Center ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Paliwanag ng Muntinlupa LGU, layunin umano ng ‘Bakuna sa Gabi’ na matulungan ang economic frontliners na nahihirapang makapunta sa kanilang vaccination schedule dahil sa trabaho at pati na rin sa panggabi o night shift.


Ayon kay Muntinlupa City Public Information Chief Tess Navarro, ito’y eksklusibo sa hanay ng A4 o economic frontliners at mananatiling bawal ang walk-in.

Habang sa umaga naman, bukas pa rin ang nasabing bakunahan para sa hanay ng A1 hanggang A4.

Paliwanag pa ni Navarro, exempted naman sa umiiral na curfew ang pupunta sa vaccination center basta’t siguraduhin lamang na dala ang schedule at abiso mula sa Muncovac.

Facebook Comments