Patuloy ang pag-develop sa bakuna ng leptospitosis. Ito ang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III sa harap na rin ng mataas na bilang ng mga namatay sa nabanggit na sakit.
Sa ngayon, 981 na ang tinamaan ng leptospirosis sa bansa mula unang araw ng Enero hanggang Agosto 3, habang 81 na ang namatay.
Ayon kay Secretary Duque, hindi masiyado mabisa ang kasalukuyang bakuna kaya’t hindi ito masiyado ginagamit.
Pag-iingat sa sarili sa pamamagitan ng hindi paglusong sa maduming tubig ang mabisang paraan para makaiwas sa leptospirosis.
Pero kung hindi maiiwasan na sumuong sa baha, magsuot ng proteksyon sa paa tulad ng bota o plastic.
Wag ding hayaan sa magtampisaw sa baha ang mga bata dahil kahit sa mata, pwedeng makapasok ang bacteria at magkaroon ng leptospirosis.
Ayon kay Duque, namamatay ang pasyente ng leptospirosis kapag huli na bago siya nakapagpacheck-up kaya’t para makasigurado, sintomas palang ng tulad ng trangkaso ay dapat magpatingin na agad sa doktor.
Samantala, hinimok naman ni Duque ang publiko na mag-donate ng dugo para madugtungan ang buhay ng mga pasyente na tinatamaan ng dengue at leptospirosis.