Bakunado muna bago ang makaboto, hindi na oobligahin ng Comelec

208

Hindi na oobligahin ng Commission on Elections (Comelec) na mabakunahan muna bago makaboto ang mga botante sa Eleksyon 2022.

Sa gitna ito ng pangambang marami pa rin ang hindi nababakunahang Pilipino sa susunod na taon o yung mga ayaw magpabakuna.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kahit ang paghingi ng negatibong resulta ng COVID-19 ay hindi na rin oobligahin.


Sa ngayon, naglatag na ang Comelec ng health and safety protocols para maiwasang maging superspreader event ang proseso upang makaboto.

Facebook Comments