Bakunado o hindi, health protocols ay ipapatupad sa lahat – DOH

Kasabay ng nalalapit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa August 6, iginiit ng Department of Health (DOH) na ang safety protocols ay ipapatupad sa lahat, nabakunahan man o hindi.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie, walang papanigan sa pagitan ng vaccinated at unvaccinated individuals.

Iginiit din ni Vergeire na tanging Authorized Person Outside Residence (APOR) lamang ang pwedeng lumabas ng bahay.


Aminado rin si Vergeire na limitado pa ang vaccine supply ng bansa.

Pero tiwala ang DOH na maaabot ang demand sa bakuna, ayon na rin mismo kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Facebook Comments