Bakunahan kontra COVID-19 sa mga klinika, palalawigin sa Visayas at Mindanao

Target ng Philippine Medical Association (PMA) na palawigin ang bakunahan kontra COVID-19 sa mga klinika sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay PMA President Benito Atienza, sa ngayon ang vaccination drive ng PMA ay inilunsad lamang sa Metro Manila, Central Luzon, at Southern Tagalog region.

Interesado rin aniya ang ibang mga rehiyon kung kaya’t posible rin nilang palawigin ang naturang programa sa iba pang rehiyon sa bansa.


Dahil dito ay makikipag-dayalogo ang PMA sa mga regional office ng Department of Health (DOH) na mag-uugnay sa mga local government unit ng ibang rehiyon.

Samantala, sinabi naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na pumayag na ang AstraZeneca na i-extend ng tatlong buwan ang shelf life ng mga COVID-19 vaccine nito na malapit ng ma-expire at hinihintay na lamang na aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Matatandaaang nagdesisyon ang pamahalaan na i-donate na lamang sa mga bansang mababa ang vaccine coverage ang mga bakunang malapit na mag-expire upang makatulong din sa mga bansang may mababang suplay ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments