Wala munang bakunahan ng second dose sa Valenzuela City hanggang sa Linggo.
Simula ngayong araw hanggang sa July 18 ay ipinagpaliban muna ang pagbabakuna para sa mga nakatakdang tumanggap ng 2nd dose ng Sinovac dahil sa kakulangan ng supply ng bakuna.
Sa abiso ng lokal na pamahalaan, batay sa Department of Health (DOH) ay maaari pa rin namang mabakunahan ng 2nd dose ng Sinovac kahit umabot ng 3 hanggang 6 na buwan ang pagitan mula sa pagtanggap ng 1st dose.
Kaagad namang tatawag at magte-text ang VCvax staff para sa bagong vaccination appointment kapag mayroon nang karagdagang suplay ng bakuna.
Samantala, tuloy naman ang bakunahan ng 2nd dose para sa mga tumanggap ng bakunang AstraZeneca, Pfizer at Moderna dahil may naitabi nang suplay para dito.