Bakunahan ng A5 category sa Caloocan City, sisimulan na ngayong araw

Simula na ngayong araw ng pagbabakuna ng mga mahihirap na residente sa lungsod ng Caloocan.

Lalarga na kasi ang vaccination sa A5 category o indigent population upang mapalawak pa ang mga nababakunahan.

Limang daang slot para sa mga magpapabakuna ang nakalaan sa Caloocan Central Elementary School.


Alas-4:30 pa lang ng madaling-araw ay nagsimula nang pumila ang ilang mga residente.

Inagahan na raw nila para mauna na sa sandaling magsimula na mamayang alas-8:00 ng umaga ang bakunahan na tatagal hanggang alas-5:00 ng hapon.

Anim na lugar ang itinakdang lugar kung saan pwedeng magtungo ang mga residente para mabakunahan, kabilang dito ang Caloocan City North Medical Center, Caloocan City Sports Complex, Metro Plaza Quirino, Caloocan City Medical Center at SM Sangandaan Cinema Complex at Caloocan Central Elementary School.

Ayon naman sa Caloocan City Health Office, pumapangalawa ang kanilang lungsod sa Metro Manila pagdating sa vaccination utilization rate.

Facebook Comments