Bakunahan para sa booster shots, muling isinagawa sa NAIA Terminal 4

92

Muling isinagawa ng Bureau of Quarantine at pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagbibigay ng booster shots sa mga natapos mabakunahan ng 2nd dose ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Sa abiso ng MIAA, alas otso kanina ng sinimulan ang isinasagawang vaccination rollout ngayong araw hanggang bukas ay para lamang sa mga adult at miyembro ng One Stop Shop (OSS) at miyembro ng kanilang pamilya o dependent na nabakunahan ng 2nd dose na hindi baba sa tatlong buwan.

Target mabakunahang ngayong araw hanggang bukas ang tatlong libong individuals gamit ang Moderna vaccines at Sinovac Vaccines.


Muling isasagawa ang vaccination drive sa terminal 4 sa ikalawang linggo ng Enero sa susunod na buwan para para naman sa 2nd dose laban sa COVID-19.

Facebook Comments