Bakunahan para sa mga specific industry sa ilalim ng A4 category, pinalawig

404

Palalawigin na ang oras ng vaccination site na nakalaan lamang sa mga specific industries sa ilalim ng A4 category list sa Valenzuela City.

Simula sa Miyerkules ay bukas hanggang alas-10:00 ng gabi ang vaccination site sa Pasolo Elementary School sa lungsod.


Ito ay para ma-accommodate sa pagbabakuna ang mas maraming empleyado at para hindi rin maapektuhan ang operasyon ng mga kumpanya.

Sa ilalim ng Corporate Group Appointment System ng Valenzuela, ang mga HR o may-ari ng mga kumpanya ay dapat gumawa ng opisyal na listahan ng lahat ng empleyado na ipapadala sa industryvcvax@gmail.com.

Kabilang dito ang mga contractual, seasonal, fulltime, permanent, regular, at security personnel.

Sunod ay magrerehistro sa valtrace.appcase.net sa ilalim ng Corporate Vaccination Registration at pagkatapos ay aabangan ang tawag ng VCVax team para sa petsa at oras ng pagbabakuna sa kanilang mga empleyado.



Facebook Comments