Sinimulan na ang bakunahan para sa pang-apat na batch ng mga frontliner transport para sa mga miyembro sa mga miyembro ng One Stop Shop na kinabibilangan ng ilang ahensya ng gobyerno rito sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA terminal 4.
Target na mabakunahan ang isang libong mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA), Department of Foreign Affairs (DFA), Office for Transportation Security (OTS), Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Coastguard, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine National Police o PNP Customs, Immigration at iba pang ahensya ng gobyerno.
Maaga pa kanina ay pumila na ang mga frontliner sa registration area.
Mas mabilis ang proseso sa mga babakunahan dahil marami ang nag-assist sa registration at screening area para sa mga kabilang sa priority list ngayong araw.
Sa June 30 naman ang pang limang batch sa mga nabakunahan noong June 2 para sa kanilang 1st dose na tatanggap ng kanilang 2nd dose ng COVID-19 vaccine.
Sa datos ng MIAA, aabot na sa 4,000 individuals ang nakatanggap ng kanilang first dose kung saan target mabakunahan ang 1,000 nakapagparehistro para sa kanilang schedule ngayong araw gamit ang Sinovac vaccines.
Ayon kay One Stop Shop Undersecretary Raul del Rosario, nasa 60% na nilang naabot para sa 7,500 target na mabakunahan dito sa NAIA terminal 4 na mga kawani mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.