Bakunahan sa lungsod ng Mandaluyong kontra COVID-19, nagpapatuloy

60

Tuluy-tuloy pa rin ngayong araw ang pag-arangkada ng COVID-19 vaccination drive sa lungsod ng Mandaluyong.

Bukas ang dalawang vaccination center ng lungsod ito ay ang Pedro P. Cruz Elementary School at La Salle Green Hills.


Kasama rin ang tatlo nilang mega vaccination sites tulad ng Mandaluyong City Medical Center Mega Vaccination site 1 at site 2 at JRU Mega Vaccination Site.

Sa mga nabanggit na lugar ng bakunahan sa lungsod, ibigay ang unang dose para sa mag A2 o senior citizen, A3 persons with comorbidities, A4 economic front-liners at A5 o indigent population o mahihirap na sector.

Habang ang isang mega vaccination site na nasa loob ng SM Megamall ay magbabakuna ng second dose ng AstraZeneca para sa mababakunahan nito noong April 5, 2021.

Samantala, umabot na ng 113,981 indibidwal ang nabakunahan na sa lungsod kontra COVID-19.



Facebook Comments