Bakunahan sa Mega vaccination site sa Mandaluyong City, nagpapatuloy ngayong araw

Nagpapatuloy ngayong araw ang pabibigay ng bakuna sa mga vaccination site sa lungsod ng Mandaluyong.

Bago magbukas pasado alas-8:00 ng ngayong umaga ang Mandaluyong City Medical Center (MCMC) Mega Vaccination Site 1 at 2 ay may nakapila na.

Mahigpit na ipinatutupad dit ang “no walk-in policy”, kaya naman may sinusunod silang listahan sa entrance ng nasabing dalawang vaccination sites.


Kung wala sa listahan at hindi taga-Mandaluyong, hindi makakapasok sa MCMC Mega Vaccination Sites.

Ayon kay Ferdie Candelaria, isa sa mga namamahala sa MCMC Mega Vaccination Sites, target nilang bakunahan ngayong araw ang 2,000 indibidwal na kabilang sa A1 o medical frontliners, A2 senior citizens, at A3 o person with comorbidities para first dose ng Sputnik V.

Maliban sa MCMC Mega Vaccination Site 1 at 2, bukas din ngayong araw ang dalawa pang mega vaccination sites ng lungsod sa SM Megamall Mega Vaccination Site kung saan magbabakuna ng 2nd dose ng AstraZeneca at Jose Rizal University Mega Vaccination Site para naman sa 2nd dose ng Sinovac.

Facebook Comments