Bakunahan sa mga istasyon ng LRT, nabawasan na

Kakaunti na lang ang nagpapabakuna laban sa COVID-19 sa mga istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2.

Sinabi ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, bagaman may ilang mga istasyon pa sa LRT Line 2 ang nagsisilbing vaccination site, hindi na marami ang nagpapaturok.

Marahil aniya ay nakapagpabakuna na ang halos lahat ng mga pasaherong sumasakay sa LRT Line 2.


Kaya ngayon ay nakatuon ang kanilang pansin sa vaccination site sa Cubao dahil ito ang istasyong may pinakamaraming pasahero, kaya tuwing Lunes aniya ay mayroon silang booster shots na available.

Ayon kay Cabrera, tuloy-tuloy rin ang pakikipag-ugnayan nila sa mga local na pamahalaan sakaling gusto ng mga ito na maglagay ng vaccination site sa iba pang istasyon ng LRT.

Pero, batay aniya sa kanilang obserbasyon, marami na rin kasing vaccination sites ang mga Local Goventment Unit kaya baka hindi na rin maglagay ang mga ito ng bakunahan site sa mga istasyon ng LRT.

Facebook Comments