BAKUNAHAN SA MGA PAARALAN SA MANGALDAN, PUSPUSANG ISINASAGAWA

Puspusan ang paglilibot ng Municipal Health Office ng Mangaldan sa lahat ng paaralan upang maturukan ang mga mag-aaral.

Ang Bakuna Eskwela ay isinasagawa sa mga pampubliko at pribadong paaralan na layuning protektahan ang mga kabataan laban sa mga sakit gaya ng Measles-Rubella (MR), Tetanus-Diphtheria (TD), at Human Papillomavirus (HPV).

Kamakailan, umabot sa 124 na estudyante ang nabakunahan sa Mangaldan National High School at Santo Tomas Catholic School.

Matatandaan na nauna nang nabakunahan ang ilang mag-aaral sa ibang paaralan sa bayan na itinuloy ng tanggapan matapos maantala dahil sa mga nagdaang bagyo at habagat.

Patuloy nilang hinihimok ang mga pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin ang mga Parent-Teacher Association na suportahan ang kampanya sa pagbabakuna upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga kabataan sa buong bayan.

Bukod sa mga paaralan, patuloy rin ang bakunahan sa mga health centers at medical facility depende sa itinakdang iskedyul kada barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments