Ilulunsad ng Department of Health (DOH) ang Nationwide Vaccination Program sa mga pampublikong paaralan o Bakuna Eskwela sa October 7.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa, na target ng “Bakuna Eskwela” program na makapag-rollout ng libreng bakuna kontra measles, rubella, tetanus, at diptheria sa mga Grade 1 at 7 students.
Habang magro-rollout na rin ng bakuna kontra Human papillomavirus (HPV) sa mga babaeng Grade 4 students para malabanan ang banta ng cervical cancer.
Target ng DOH na mabakunahan ang 95% ng 2 milyong kabataan kada taon.
Ang kick-off ng Bakuna Eskwela ay gaganapin sa Dr. Alejandro Albert Elementary School, pero gaganapin ito sa mga public schools sa buong bansa tuwing Biyernes sa buong buwan ng Oktubre kung saan maaaring magpabakuna ang mga batang gustong magpabakuna sa lahat ng eskuwelahan ng DepEd.