Bakunahan sa Purok ni Juan laban sa measles, inilunsad ng DOH-NCR

Pinag-ibayo pa ng Department of Health (DOH) sa National Capital Region (DOH-NCR) ang immunization program nito para labanan ang sakit na measles.

Ngayong umaga, inilunsad ng DOH-Metro Manila Center for Health Development ang Bakunahan sa Purok ni Juan sa Binondo, Maynila.

Layon ng programa na palakasin ang immunization coverage sa pagsasagawa ng catch up immunization at makakuha ng ibayong suporta mula sa iba’t ibang sektor na labanan ang nasabing sakit.


Paraan din ito para maprotektahan ang komunidad lalo na ang mga vulnerable sector mula sa vaccine-preventable diseases tulad ng tigdas.

Target ng Bakunahan sa Purok ni Juan ang 9 na buwan hanggang 59 na buwan gulang na mga bata na nakaligtaan ang scheduled routine ng bakuna at nakatanggap lamang ng unang dose.

Bukod sa measles vaccination, nagsagawa rin ang DOH-NCR ng iba pang health services tulad ng non-communicable disease risk assessment, vitamin A supplementation at family planning services.

Sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, nakapagtala ng 358 na kaso ng measles mula January 1 hanggang March 15, 2025 sa Metro Manila.

Facebook Comments