Bakunahan sa second round ng 3-Day National Vaccination drive sa Dec. 15 – 17, pinabilis na; mga walk-in, tatanggapin na rin!

57

Papayagan na ng pamahalaan ang mga walk-in sa second round ng 3-Day National Vaccination drive sa Dec. 15 hanggang Dec. 17, 2021.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health Sec. Francisco Duque III sa interview ng RMN Manila kasunod ng mga nakitang problema kaya bumagal ang bakunahan sa unang nationwide vaccine drive noong Nov. 29 hanggang Dec. 1.

Ayon kay Duque, bukod sa pagtanggap sa mga walk–in, pabibilisin na rin ngayon ang proseso sa pagsasagot sa vaccination forms upang mas marami pang mabakunahan.


Sa second round, target muli ng DOH ang tatlong milyong indibidwal na mabakunahan kada araw o siyam na milyon sa loob ng tatlong araw na vaccination drive.

Kasabay nito, umapela ang kalihim sa publiko na huwag namang maging mapili sa bakunang ituturok sa kanila.

Aniya lahat ng COVID-19 vaccine ay dumaan sa masusing pag-aaral at napatunayang mabisa laban sa virus.



Facebook Comments