BAKUNAHANG BAYAN, MULING ISASAGAWA SA SUSUNOD NA LINGGO

Isasagawa ang Bakunahang Bayan Biyayang Proteksyon sa Paskong Pilipino sa Ilocos Region sa darating na December 5-7, 2022.
Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng DOH- CHD1, sa edad 5-11 target na mabakunahan sa rehiyon ang 511, 934.
Sa 12-17 taong gulang ay 423, 406 at sa 18-59 ay nasa 2. 3 milyong indibidwal.

Iginiit nito na isa sa magandang regalo hindi lamang sa sarili maging sa pamilya ay ang regalong proteksyon.
Nakatakdang maglagay ng vaccination site sa terminal, simbahan, mall at iba pang lugar na maraming tao upang maabot ang target ng kagawaran.
Muling iginiit ni Bobis na epektibo at ligtas ang COVID-19 vaccine upang tuluyang mapababa ang tinatamaan ng sakit.
Sa Ilocos Region, nasa 9. 4 milyong bakuna na ang naiturok sa mga residente nito kung saan 3. 8 milyong ang naka kumpleto ng primary series. | ifmnews
Facebook Comments