BAKUNAHANG BAYAN: PINASLAKAS SPECIAL VACCINATION DAY, INILUNSAD SA STA. BARBARA PANGASINAN

Inilunsad ng Department of Health-Center for Health Development 1 sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan ang Bakunahang Bayan: PinasLakas Special Vaccination Day.
Matatandaan na ipinagpaliban ito noong lunes dahil kay Bagyong Karding at nakatakdang i-extend hanggang sa araw ng Sabado.
Ayon kay Dr. Veronica Guadiz De Guzman, ang Provincial Health Team Leader, napili ang bayan sa naturang paglulunsad dahil isa sila sa prayoridad na lokal na pamahalaan sa buong rehiyon na nakitaan nang mababang accomplishment pagdating sa pagtuturok ng bakuna sa A2 population o senior citizens.
Sa ngayon ang bayan aniya ay nasa 67% pa lamang pagdating sa pagbabakuna sa naturang kategorya na dapat sana ay nasa 90% na.
Umaasa naman si De Guzman, na maaabot ang target na mabakunahan dahil sa mga inilatag na programa ng kagawaran sa tulong ng iba’t-ibang kawani ng gobyerno. | ifmnews
Facebook Comments