Inaasahang madadagdagan ang coronavirus vaccine supply ng Pilipinas kasabay ng inaasahang pagdating ng donasyon mula sa China.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, aabot sa 600,000 doses ng Chinese vaccine ang darating sa bansa ngayong buwan.
Paglilinaw ni Roque, hiwalay pa ito sa mga bakunang in-order ng Pilipinas sa China.
Sinabi rin Roque na kailangang magkaroon ng regulatory approval ang Chinese-donated vaccines mula sa local authorities bago gamitin.
Kumpiyansa siya na aaprubahan ito ng Food and Drug Administration (FDA), pero kung hindi ay isasauli ang mga donasyong bakuna.
Matatandaang nangako ang China na magdo-donate ng kalahating milyong COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas.
Facebook Comments