Bakunang gagamitin kay Pangulong Duterte, pinatitiyak na epektibo ng DOH

Pinatitiyak ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na ligtas at epektibo ang mga bakuna kontra COVID-19 oras na matuloy ang planong pagpapabakuna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng kalihim kasunod ng pagpapaturok ng bakuna ni US President-elect Joe Biden.

Kamakailan lang nang sabihin ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na handa si Pangulong Duterte na maunang maturukan ng bakunang darating sa bansa.


Habang maituturing din aniyang na “best communication tool” ang pangulo para tuluyang mawala ang takot ng publiko sa bakuna.

Facebook Comments