BAKWIT | 86 death cases, naitala ng DOH

Manila, Philippines – Nakapagtala ng 86 death cases mula Mayo 23 hanggang sa kasalukuyan ang Department of Health (DOH) mula sa mga nagsilikas sa Marawi City bunsod ng bakbakang idinulot ng teroristang Maute Group.

Base sa tala ng DOH, karanwang sanhi ng kamatayan ng mga bakwit ay Pneumonia, Cardiovascular Disease, Acute Gastroenteritis Disease, at mga sakit na dulot ng impeksyon.

Dahil dito, ayon kay Health Secretary Duque, pinaiigting na ng DOH ang kanilang mga hakbang, serbisyo at pag-asiste para sa nagpapatuloy na rehabilitasyon sa Marawi.


Sa kasalukuyan, mula sa 367, 990 na mga indibidwal na inilikas sa Marawi, nasa 106, 598 na ang nakauwi.

Patuloy rin aniyang operational 24/7 ang 76 na evacuation center sa lugar.

Facebook Comments