BAKWIT| Libong pamilya lumikas sa Datu Saudi dahil sa away ng 2 Kumander

Higit 2 libong pamilya ang apektado ng kaguluhan sa Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.

Base sa record ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng bayan sinasabing 1,523 ay nagmumula sa Brgy. Elian , 723 mula sa Brgy Madia at 305 naman mula sa Brgy. Gawang.

Pansamantalang nanunuluyan sa Dapiawan Elementary School ang mga lumikas na pamilya. Apektado rin ngayon ang pag-aaral ng mga istudyante.


Nagpapatuloy ang pagsisikap ng mga otoridad upang muling mapahupa ang tensyon sa pagitan ng dalawang nag aaway na kumander.

Matatandaang nagsimulang magkagirian ang dalawang kumander ng MILF dahil sa away sa Lupa at Palm Oil Farm.

Facebook Comments