BALA, BARIL AT DROGA, NAKUMPISKA SA ISANG LALAKE SA TAYUG, PANGASINAN

Timbog ang isang lalaki sa bisa ng ikinasang search warrant ng awtoridad sa Tayug, Pangasinan.

Nakumpiska mula rito ang 13.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng abot P92, 480. Narekober din ang isang caliber .45 pistol, dalawang magasin ng baril at 35 na bala at iba pang non-drug evidence.

Nakilala ang suspek na isang 42 anyos, at residente sa nasabing bayan.

Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments