Patuloy na inoobserbahan ngayon sa pagamutan si Alejandro Catulong, 57 anyos , empleyado ng LGU Libungan North Cotabato matapos matamaan ng di pa natukoy na bala ng kalibre ng baril pasado ala -una kahapon ng hapon.
Sa panayam ng DXMY kay Libungan COP SI Ofre Julian,malaki ang posibilidad na target ng pamamaril ng di pa tukoy na mga responsable si Mayor Cristopher “Amping” Cuan.
Sinasabing pasakay ng kanyang vehicle si Mayor Cuan mula sa isang aktibidad sa munisipyo ng mangyari ang insidente. Maswerteng nakaligtas ang alkalde ngunit diretsong tumama ang balang alay para sa kanya kay Catulong na nakatayo sa likurang bahagi nito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, sakay ng puting Van ang namaril. Bago pa ang insidente, kapansin pansin na aniya ang aaligid -aligid na sasakyan sa besinidad ng munisipyo.Malaki ang posibilidad na Sniper ang may gawa ng pamamaril.
Kaugnay nito, noong nakaraang buwan, nakapagpablotter na rin aniya si Mayor Cuan kaugnay sa tangka sa kanyang buhay dagdag ni COP Julian.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon kung sinu ang nasa likod ng tangkang pagpatay sa Alklade .
CCTO Pic
Bala para kay Mayor, nasalo ng empleyado sa Libungan North Cotabato
Facebook Comments