BALAK | BuCor Chief Faeldon, planong ilipat ang Bilibid sa probinsya

396

Plano ni bagong Bureau of Corrections (BuCor) Chief Director-General Nicanor Faeldon na ilipat sa mga probinsiya ang New Bilibid Prison (NBP) na nasa Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Ayon kay Faeldon, hindi naman kailangan pang bumili ng lupa ang BuCor dahil may nakalaan nang lupa sa Ihawig, Palawan at Sablayan, Mindoro para sa nasabing proyekto.

Maaari rin aniyang paupahan ang 375 ektaryang lupa ng BuCor sa Muntinlupa para makakalap ng pondo ng ahensiya.

Sabi ni Faeldon, balak niya itong gawin sa loob ng tatlong taon.

Facebook Comments