BALAK | DILG, target ipatupad ang ‘soft opening’ sa Boracay

Manila, Philippines – Plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magkaroon ng ‘soft opening’ sa Boracay.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing II, target nilang ipatupad ito kapag natapos ang apat na buwang clean up drive sa isla na layong makatanggap muli ng mga turista at mai-angat muli ang local economy nito.

Pero aminado si Densing na kailangan ng isang taon para makumpleto ang rehabilitasyon.


Subalit kumpiyansa siya na makakamit nila ang target lalo at tulong-tulong ang lahat ng sektor at government units.

Dagdag pa ni Densing, kung kinakailangan pa ng dagdag na panahon ang paglilinis sa isla, maaring humiling ang task force Boracay ng extension kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang reclamation sa wetlands na inokupahan ng mga hotel at ilegal na istratura.

Facebook Comments