Balak na amyendahan ang partylist system, ipinagpaliban ng Malakanyang; ilang opisyal ng gobyerno, sinuportahan ang desisyon

Ipinagpaliban ng Malakanyang ang balak ng Kongreso na amyendahan ang partylist system.

Kasunod ito ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang naturang sistema matapos umano itong mapuno ng mga tagasuporta ng komunistang grupo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hindi gawain ni Pangulong Duterte na mag-legislate dahil una; kailangang may legal itong basehan at pangalawa; nakadepende na ito sa kanilang desisyon.


Samantala, sinuportahan naman nina; House Committee on Constitutional Amendments Chair Alfredo Garbin Jr. at Rep. Joey Salceda ang pagpapaliban ng Malakanyang sa pag-amyenda sa partylist system.

Paliwanag kasi ni Garbin, trabaho na ito ng Commission on Elections (COMELEC) kaya hindi na dapat itong pag-aksayahan ng oras ng Pangulo.

Habang giit naman ni Salceda, posibleng pumalpak pa ang planong pag-amyenda dahil nahahaluan ito ng political agenda.

Sa ngayon, sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco na target isabay ng Kamara sa sa 2022 presidential elections ang ratipikasyon sa mga amyenda sa 1987 Constitution.

Facebook Comments