Manila, Philippines – Plano ng Pilipinas na mag-bid para sa hosting rights ng 2030 Asian Games.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, nakuha nito ang ideya sa negosyanteng si Erick Thohir na siya ring namumuno ng Asian Games organizing committee.
Nabanggit raw sa kanya ng Singaporean Businessman na may malaking potensyal ang Pilipinas para makuha ang hosting ng Asian Games.
Pero sa ngayon, prayoridad muna ng bansa na tapusin ang hosting ng 2019 Sea Games.
Nabatid na si Cayetano ang namumuno sa organizing committee ng 2019 Sea Games.
Facebook Comments