Manila, Philippines – Plano ng Department of Education (DepEd) na i-alok na rin ang Senior High School (SHS) program sa mga Alternative Learning System (ALS).
Ayon kay DepEd Assistant Secretary for ALS G.H. Ambat, kasalukuyang nililikha ang ALS Senior High School curriculum na target nilang matapos sa katapusan ng taon at maaring ilunsad sa susunod na taon.
Bukod dito, binubuo na rin ang learning materials na gagamitin ng mga guro.
Isasama rin ALS-SHS ang ‘team teaching’ sa mga formal schools na nag-aalok ng SHS program.
Sa ngayon, ang SHS program na sa ilalim ng K-to-12 basic education program ng DepEd ay iniaalok lamang sa mga formal schooling kabilang ang DepEd o non-DepEd schools, Higher Education Institutions (HEIS), at Technical Vocational Institutions.