Balanga City sa Bataan, itinanghal na top performer sa Manila Bay rehab efforts

Iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Balanga City, Bataan ang pagkilala bilang top-performing local government unit (LGU) sa 2020 Fisheries Compliance Audit National Validation.

Kaugnay ito sa natatanging nagampanan ng Balanga City sa rehabilitation at preservation efforts nito sa Manila Bay watershed area.

Personal na iniabot ni DILG Secretary Eduardo Año sa City of Balanga ang cash incentive na P1 million.


Maliban sa Balanga, kinilala rin ni Año ang apat pang LGU na nagpakita ng best practices sa Manila Bay clean-up at rehabilitation.

Naging top LGU rin ang Orion at Samal sa Bataan, Sasmuan sa Pampanga, at Navotas City.

Ang limang top LGU ay pinili mula sa 34 coastal LGUs sa Region 3, CALABARZON at National Capital Region (NCR).

Limang LGU naman ang nakakuha ng pinakamababang marka.

Tatlo sa mga ito ay nasa NCR at dalawa sa MIMAROPA.

Facebook Comments