Posibleng matuloy na ang pagbisita sa Estados Unidos si Pangulong Rodrigo Duterte matapos pormal nang isasauli ng Estados Unidos sa Pilipinas ang tatlong Balangiga bells.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., wala ng rason para hindi pumunta ang Pangulo sa Amerika.
Aniya, dati kasing iginiit sa kaniya Pangulo na hindi siya tutulak pa-Amerika hangga’t hindi ibinabalik sa bansa ang nasabing mga kampana.
Matatandaang una nang hiniling ni Duterte sa kaniyang State of the Nation Address noong 2017 ang pagbalik ng tatlong kampana sa Pilipinas.
Kasalukuyang nakalagak ang dalawang kampana sa Fe Warren Air Force base sa Wyoming at ang isang ay sa US military facility sa South Korea.
Facebook Comments