BALANGIGA BELLS | PRRD, bibisita sa US

Manila, Philippines – Posibleng bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos.

Ito ay bilang pasasalamat sa pagbalik ng Washington sa Balangiga bells sa Pilipinas.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa bansa ngayon si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez para hikayatin ang Pangulo na bumisita sa Amerika.


Aniya, maaring mangyari ang pagbisita sa susunod na taon.

Sina Romualdez at Lorenzana ay makakasama ng Pangulo sa formal turn-over ng tatlong kampana sa Villamor Airbase sa Pasay bukas, December 11.

Facebook Comments