BALANSE | Pangulong Duterte, magiging patas sa pagdedesisyon sa hiling ng pagtataas ng kontribusyon sa SSS

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacanang na binabalanse ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opsyon sa usapin ng pagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro ng SSS.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap ng hiling ni SSS Chief Executive Officer Emanuel Dooc kay Pangulong Duterte na itaas na sa 14% mula sa 11% ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maingat na babalansehin ni Pangulong Duterte ang issue dahil hindi ito isang madaling usapin na basta na lamang pagdesisyunan.


Paliwanag ni Roque, sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS ay mas lalo pang tataas ang pondo ng SSS na siyang magpapahaba ng buhay nito na magbebenipisyo din naman sa mga miyembro.

Facebook Comments