Balanse sa utang ng PhilHealth, pinababayaran ng Red Cross sa loob ng tatlong araw

Nais ng Philippine Red Cross (PRC) na mabayaran ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang natitirang utang nito sa susunod na tatlong araw.

Ito ay matapos na mag-awas ng P500 million ang PhilHealth mula sa kabuuang P931 million na utang nito sa PRC.

Paliwanag ni PhilHealth Secretary General Elizabeth Zavalla, sakop lang ng inisyal na ibinayad ng PhilHealth ang 12 hanggang 14 na araw na operasyon ng kanilang laboratoryo.


Posible rin aniyang abutin na lang ng isang linggo ang suplay nila ng COVID-19 test kits matapos na mapurnada ang pagkuha nila ng suplay dahil sa delayed payment ng PhilHealth.

Matatandaang ibinalik ng PRC ang COVID-19 testing nito matapos na mabayaran ng PhilHealth ang higit kalahati ng kanilang utang.

Giit ni PRC Chairman Richard Gordon, posibleng umakyat muli sa bilyong piso ang utang ng PhilHealth kung hindi agad mababayaran ng state insurer ang kanilang balanse.

Facebook Comments