BALANSE | SGMA – dumistansya sa bangayan nina Cong. Andaya at Budget Sec. Diokno

Manila, Philippines – Balanse ang suporta ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa ehekutibo at lehislatura.

Ito ang pahayag ni Arroyo sa gitna ng bangayan ngayon nina House Majority Leader Rolando Andaya Jr. at Budget Sec. Benjamin Diokno hinggil sa umano ay “pork” insertion at iba pang anomalya sa 2019 proposed national budget.

Ayon sa House Speaker – makikita naman ang manifestation of support ng Kamara kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagpursige at pag-apruba sa legislative agenda nito.


Wala ring nakikitang masama si Arroyo sa mahigpit na pagsusuri ni Andaya sa 2019 budget dahil bahagi aniya ito ng trabaho ng isang collegial body.

Kaya kung anuman aniya ang mapagbotohan at maging desisyon ng Kamara, parte lang ito ng kanilang tungkulin sa lehislatura.

Facebook Comments