Manila, Philippines – Magpapatupad ng malawakang balasahan ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga susunod na araw.
Ito ay dahil sa report na may ilang opisyal at empleyado ng ahensya ang sangkot umano sa illegal recruitment at iba pang anomalya.
Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say, iniimbestigahan na nila ang pambibiktima ng mga illegal recruiter sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Kabilang sa mga posibleng maaapektuhan ng balasahan ay ang mga opisyal at empleyado ng POEA na direktang may partisipasyon sa pagproseso ng mga dokumento at pagpapalabas ng Overseas Employment Certificates (OEC) na isa sa mahahalagang requirement para sa deployment ng OFW.
Facebook Comments