BALASAHAN | Immigration officers sa NAIA, babalasahin

Manila, Philippines – Magpapatupad ng balasahan ang Bureau of Immigration (BI) sa NAIA terminals.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime H. Morente, limang daang airport immigration personnel ang papalitan ng shift at terminal assignment.

Sinabi ni Morente na walang exempted sa reshuffle dahil nais nilang maiwasan ang familiarization sa pagitan ng mga empleyado na karaniwang dahilan ng korupsyon sa gobyerno.


Huling nagpatupad ang Bureau of Immigration ng rotation noong hunyo ng nakaraang taon.

Facebook Comments