BALASAHAN | Malawakang reshuffle, ipinatupad sa National headquarters ng PNP

Manila, Philippines – Nagpatupad ang Philippine National Police (PNP) ng malawakang balasahan sa mga Senior Police Officers.

Batay sa inilabas na direktiba ng tanggapan ng The Deputy Chief for Operation na epektibo ngayong araw; January 18.

Tinanggal na bilang Hepe ng Directorate for Human Resource Doctrine and Development ( DHRDD) si Police Director Noli Talino at inilipat sa PNP Special Action Force(SAF).


Si Police Director Cedrick Train na dating Directorate for Integrated Police Operation (DIPO) ng Western Mindanao ay inilipat na sa DHRDD.

Nailipat naman sa DIPO Western Mindanao si Police Director Noel Constantino na dating nakatalaga sa Directorate for Police Community Relation (DPCR).

Pumalit naman kay Constantino sa DPCR si Police Director Eduardo Serapio Mayote Garado na dating DIPO Southern Luzon.

Si Police Director Benjamin Lusad na dating SAF Chief ay mapupunta sa DIPO Southern Luzon.

Napalitan na rin si Police Chief Supt. Elmo Francis Sarona sa Police Regional Office Cordillera at ngayon ay naitalaga sa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).

Naitalaga naman bilang Regional Director ng PNP Cordillera si Police Chief Supt. Edward Carranza na dating Hepe ng PNP Health Service.

Si Police Chief Supt. Emmanuel Luis Delgado Licup na dating hepe ng directorate for operations ay mapupunta sa Police Regional Office MIMMAROPA.

Pinalitan ni Licup si Police Chief Supt. Wilben Mayor na dating Regional Director ng PNP MIMMAROPA na ngayon ay nauupo sa Directorate for Operation.

Nagpalitan din ng posisyon ang ilang PNP Regional Directors, kabilang dito sina Police Chief Supt. Robert Guzman Quenery na dating Regional Director ng Region 2 ay inilipat na sa Police Regional Office 7.

Si Police Chief Supt. Timoteo Pacleb ay itinalaga na rin sa Police Regional Office (PRO 2) na dating sa PRO 10.

Napunta naman sa PRO 10 si Police Chief Supt. Jose Mario Espino na dating nakatalaga sa PRO 7.

Ang mga nabanggit ng mga Senior Police Officers ay dapat na agad na mag-report sa kanilang bagong assignment epektibo ngayong araw January 18, 2018.

Facebook Comments