Nagpatupad ng rigodon ang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si PGen. Rodolfo Azurin Jr., isang linggo matapos nitong maupo sa pwesto.
Nabatid na aabot sa 30 matataas na opisyal ang sakop sa re-shuffle kasama ang mga miyembro ng command group.
Si PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Rhodel Sermonia, inilipat bilang Commander ng Area Police Command – Visayas.
Papalit sa kanya si Lt. Gen. Chiquito Malayo na Chief of Directorial Staff.
Habang si PNP Deputy Chief for Operations PLt. Gen. Vicente Danao Jr., ay inilipat bilang Commander ng Area Police Command – Western Mindanao.
Papalit sa kanya si MGen. Benhamin Dunlao Santos na director ng Directorate for comptrollership.
Samantala, papalit naman kay Malayo sa Chief Directorial Staff si Police MGen. Arthur Bisnar na galing sa Directorate for Human Resource and Development.
Itinalaga naman si Police BGen. Jonnel Estomo na acting Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Habang si PMGen. Felipe Natividad ay inilipat na acting Commander ng Area Police Command ng Northern Luzon.