Hindi nagpatupad ng panibagong balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay matapos ang mga ulat na nagtalaga na ng bagong hepe ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa katauhan ni Police Brigadier General Vicente Danao, Jr. na ngayon ay kasalukuyan Regional Director ng PNP-CALABARZON.
Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, hindi totoo ang kumakalat na balita at hindi pa aniya nasisibak sa pwesto si Police Major General Debold Sinas sa NCRPO.
Ito ay kahit na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS).
Ayon naman kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac na walang utos para sa balasahan kaya walang magiging paggalaw sa matataas na opisyal ng PNP.
Una nang nabatikos si General Sinas at iba pang PNP officials dahil sa ginawang “mañanita” na umano’y may paglabag sa community quarantine protocols.
Dahil dito, posibleng maharap sa kasong kriminal at administratibo si NCRPO Chief at iba pang opisyal.