Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na magkaroon ng balasahan sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines.
Kasunod ito ng babala ng pangulo sa mga tauhan ng gobyerno na mayroong “favoritism” sa brands ng bakuna.
Aminado si Pangulong Duterte na may ilan na mas gustong maturukan ng Western-made vaccines gaya ng Pfizer at Moderna.
Pero giit ng pangulo, lahat naman ng bakuna ay epektibo.
“May grupo ng tao… may gusto Moderna, gusto Pfizer, ayaw ng made in China. After all, they’re all done in the laboratories with people who are really well-equiped medically to do their job,” saad niya.
“Sabi ko, wag kayo mamili. Ngayon, meron na naman ayaw magpa-deliver ng iba kung hindi Pfizer o Moderna. Sinasabi ko sayo, kung hindi totoo yang mga bakuna ng Sinovac at Sinopharm, e di marami nang patay,” giit pa ng pangulo.