Balasahan sa PNP, sinimulan

Ikinasa na ang balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP), epektibo ngayong araw, May 28, 2019.

Uupo na bilang acting Regional Director ng Police Regional Office o PRO-9 si Police Brigadier General Froilan Flores Quidilla.

Si Quidilla ay dating nakatalaga sa PRO-4B.


Nailipat rin sa pwesto si Police B. Gen. Marni Marcos Jr., na ngayon ay uupo na nilang acting Regional Director, PRO ARMM na mula sa PNP  Anti-Cyber Crime Group.

Mula sa PRO-ARMM nailipat naman bilang acting Director ng PNP Anti Cyber Crime Group si Police B. Gen. Graciano Mijares.

Apektado rin ng balasahan si P.B.Gen Emmanuel Luis Delgado Licup na dating nakatalaga sa PRO-9 ngayon ay uupo na bilang acting Deputy Director ng Directorate Personnel Records and Management o DPRM.

Mula naman sa PNP Engineering Service nailipat bilang acting Deputy Regional Director for Administration ng PRO-4B :8 Police Colonel Nelson Bermudez Bondoc.

Kahapon una nang sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na magkakaroon ng malawakang balasahan sa PNP dahil sa pagreretiro ng ilang senior police officers at pagbalasa sa mga  opisyal na tumagal na ng dalawang taon sa kanilang assignment.

Sa mga susunod na araw aasahan pa ang reshuffle sa PNP.

Facebook Comments