Balasahan sa task force on zero hunger, ipinag-utos ni PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang reorganization o balasahan sa Inter-agency Task Force on Zero Hunger.

Ito ay para matiyak na tuloy-tuloy ang epektibong pagpapatupad ng mga programa at kampanya ng pamahalaan laban sa gutom at maitaguyod ang seguridad sa pagkain at nutrisyon.

Batay sa Executive Order No. 101 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang task force ay pinamumunuan ng Office of the Cabinet Secretary.


Pero na-abolish ang Office of the Cabinet Secretary sa bisa ng Executive Order No. 1 ni Pangulong Marcos.

Kaya naman sa bagong Executive Order No. 66 na inilabas ng Malacañang, magsisilbi nang chairperson ng task force ang kalihim ng DSWD, habang co-chairperson ang Executive Director ng National Nutrition Council, at Vice Chairperson ang kalihim ng Department of Agriculture.

Maaaring magtalaga ng kinatawan ang mga miyembro ng task force kung sakaling absent ito.

Dapat ding tiyakin ng task force na coordinated at responsive ang mga patakaran ng gobyerno sa target na zero hunger o walang gutom.

Facebook Comments