‘Balay Danggayan’ sa bayan ng Quezon, Pinasinayaan

Cauayan City, Isabela-Pinuri ni Regional Director PBGEN. Crizaldo O Nieves ng Police Regional Office -2 ang lokal na pamahalaan ng Quezon sa kanilang buong suporta sa kapulisan at PDEA sa kampanya laban sa iligal na droga makaraang pasinayaan ang bagong tayo na ‘Balay Silangan’ o Balay Danggayan sa Quezon, Isabela ngayong araw.

Sa kanyang mensahe, inihaya ni PBGen. Nieves na ang LGU Quezon ang nagsimula para sa konstruksiyon sa gusali na magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga nasangkot sa paggamit ng iligal na droga at kalauna’y boluntaryong isinuko ang kanilang mga sarili para sa pagbabagong buhay.

Isa ito sa 20 reformation centers na pinasinayaan ng pulisya sa rehiyon.


Ito naman ang ika-10 gusali na pinasinayaan sa Isabela, ang ‘Balay Danggayan’ kung saan isang (1) drug surrenderee ang nakapasailalim sa nasabing pasilidad sa nasabing bayan.

Bukod dito, binisita rin ni Nieves ang istasyon ng pulisya sa lugar at iginawad ang ‘MEDALYA NG KAGALINGAN’ kay PCPT Roberto C Valiente at PEMS Alvin Enfectana para sa matagumpay na serbisyo makaraang ihain ang warrant of arrest sa isang Top 1 most Wanted sa bayan ng Quezon, Isabela na nagresulta ng pagkakaaresto sa akusado.

Nagtungo din sa Mallig Police Station ang opisyal kung saan iginawad rin ang kaparehong medalya kina PSMS Arturo V De Vera Jr. at PCpl Jess Mark S Valiente para sa matagumpay na pagkakaaresto sa Top 4 Most Wanted Person sa bayan.

Facebook Comments