Pormal ng nagbukas ang BALAY SAGIPAN reforming Center para sa mga Drug surenderree sa lungsod ng Santiago.
Ang balay sagipan ay layong tulungan ang mga sumukong nasangkot sa iligal na droga para marehab at magabayan sa pagbabagong buhay.
Ito ay bilang tugon ng pamahalaang lokal ng santiago sa kanilang programang maykaugnayan sa iligal na droga.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Atty. Roselyn Borja OIC ng PDEA Reg. 2 na syang naging tagapagsalita sa naturang aktibidad ay napakahalaga umano ng ganitong programa upang matukungan ang mga nasangkot sa iligal na droga na tuluyang makapag bago.
Samantala, inaasahan na maaacomodate ng bahay sagipan ng Santiago ang sampung batch ng mga drug surenderee..
Nasa mahigit tatlumpung kalalakihan ang naman naiiwan sa loob bahay sagipan Habang sa mga kababaihan naman ay sa mismong barangay o community based dadalhin at sila ay sasailalim ng reformation ng isang buwan.