BALAY SILANGAN NA MAGSISILBING REFORMATION FACILITY PARA SA MGA DRUG OFFENDERS, INIHAHANDA NA NG LGU DAGUPAN

Puspusan ngayon ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City para sa operasyon ng Balay Silangan na siyang magiging reformation facility para sa mga drug offenders.
Ang programang ito ay isasagawa kasama ang mga kawani ng PDEA Regional and Provincial Office, DILG, DSWD, Dagupan PNP at ang City Engineering Office.
Muling ring nagsasagawa ng inspection sa facility ang alkalde ng lungsod at pinag-usapan din ang mga importanteng dapat ihanda nang sa gayon ay mas mapahusay ang drug reformation program sa lungsod.

Ang implementasyon ng Balay Silangan ay nakasaad sa Resolution No. 2 series of 2018 ng Dangerous Drugs Board (DDB) kung saan nagsasabi sa policy-making at strategy-formulating body para sa drug prevention and control ayon sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |ifmnews
Facebook Comments